akala ko ako na ang simula ng pagbabago ngaung bago na ang presidente ng Pilipinas, hindi pala…
papaano ako maging simula kung ang pagsisimula naman nito ay mawawalan ako ng trabaho dahil sa pagbabagong gusto ni presidente Aquino?…
paano magsisimula ang pamilya ko kung wala na silang pagkain ng dahil lang sa pagbabagong gusto ng bagong pamunuan ngaun?…
nakakalungkot isipin na sana sa pagbabagong ito magiging masaya maliliit na empleyado ng gobyerno na sa maliit lang na kita napapakain ang bawat isa sa pamilya nya…
masaya ang pakiramdam ng halos lahat ng mamamayan ng Pilipinas kahapon habang nakikinig sa talumpati ng ating baong hinalal na presidente ng Pilipinas…walang kumurap, nakinig lahat… tumataas pa mga balahibo habang nakikinig sa matalinhagang talumpati ng ating bagong presidente… lahat naniniwala na sana magbago na nga ang ating bayang sinilangan…
umpisahan na lang natin sa ating mga sarili ang pagbabagong ito… ako uumpisahan ko sa aking sarili, nakalatag na ang mga pagbabagong aking gagawin simula sa mga oras na un…
ngunit pagkatapos ng pakikinig ko sa matalinhagang talumpati ng ating mahal na bagong pangulo, nakatanggap ako ng balita galing sa aking mga mahal na kaibigan sa trabaho…
wala na daw kami trabaho umpisa sa Hulyo anuno ngaung taon na ito… biglang bumuhos ang malamig na tubig sa aking katawan, biglang lumamig ang kapaligiran… n
atamimi ako, wala akong masagot sa mga tanong na agad umusbong sa akin isipan…PAANO NA KAMI?…
wala sa hinagap ko na ito na pala ang umpisa ng mga pagbabagong gustong mangyari ng ating bagong halal ng pangulo…ang gandang pakinggan ng mga sinabi nya kanikanina lang habang ako’y nanonood ng telebisyon…hindi ko alam na kasama pala ako sa mga pagbabago na nais nyang mabago…
PAANO NA KAMI?…yan ang tanong ng mga kasamahan ko sa trabaho ngaun…
Paano na kami…yan din ang tanong ng pamilya ko sa akin…
BAHALA NA SI LORD… yan na lang ang masabi ko sa sarili ko…
LORD, its Your will that will be done… Amen